Police Report

Lalaking nagmamay-ari ng mga ilegal na baril at bala, arestado

By Gilbert Basio

December 10, 2020

Kalaboso ang isang lalaki sa isinagawang search warrant operation kanina mga bandang ala 7:00 ng umaga sa Barangay Nicanor Zabala, Roxas, Palawan matapos makumpiska sa pangangalaga nito ang 2 klase ng baril, iba’t ibang uri ng mga bala at mga magazine.

Base sa spot report ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Palawan, kinilala ang suspek na si Edilberto Lagrosa Sumalde, kung saan nakuha sa pag-iingat nito ang 1 Rock Island Cal. 45 Pistol, 3 perasong Magazines ng Cal. 45, 15 peraso Live Ammunitions ng Cal.45 Pistol, 1 Holster ng Cal. 45, 6 na perasong Magazines para sa M16 Rifle, 17 Live ammunitions ng M16, 1 Cal. 38 Revolver, at 1 Ammo Box.

Samantala sa ngayon si Sumalde ay nasa kustodiya na ng CIDG Palawan at posibleng maharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Law On Firearms and Ammunition at paglabag sa Republic Act 9156 o Illegal/Unlawful Possession, Manufacture, Dealing in, Acquisition Or Disposition Of Firearms, Ammunition Or Explosives.