Police Report

Lalaking suspek sa pananaksak sa BM Road, hindi makukulong

By Jane Jauhali

March 29, 2022

Agad na rumesponde sa lugar partikular sa ACM beach (BM), Barangay San Pedro ang Anti-Crime Task Force, matapos makatanggap ng tawag mula sa 911 ganap na 7:28 ng kagabi Marso 28.

Batay sa Facebook post ng We R1 at your service, agad nilang hinanap ang suspek sa pananaksak na si Roel Umpad, 20 anyos, na residente ng Barangay Mangingisda.

Kalaunan ay lumabas din ang suspek na nagtago dahil sa kaniyang pangamba na baka siya ay dumugin ng mga tao.

Batay sa kanyang salaysay sa mga awtoridad, nagawa niyang saksakin gamit ang buntot ng pagi ang biktima na si Arnold Jeres, 22-anyos, matapos niyang makita na pinagtulungan daw bugbugin ang kanyang kapatid.

Naisugod naman sa pagamutan ang biktima na nagpapagaling na ito.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Alonso Tabi Jr., tagapagsalita ng Puerto Princesa City Police Office, hindi na rin daw magsasampa ng kaso ang biktima laban sa suspek, na napag-alaman na magbayaw ang dalawa.