Police Report

Lumabag sa Chain Saw Act sa San Vicente, nakatakas sa pag-aresto

By Diana Ross Medrina Cetenta

July 07, 2020

Nagtatago ngayon sa batas ang isang suspek sa paglabag sa RA 9175 o “Chain Saw Act of 2002” sa Bayan ng San Vicente matapos na makatakas sa mga awtoridad.

Kinilala ang suspek na si Eleazar “Balong” Chavez, 49 anyos, may asawa, self-employed at residente ng Brgy. Alimanguan, San Vicente, Palawan.

Sa spot report ng PPO, nakasaad na dakong 1:00 pm nang magsagawa ng anti-Illegal logging operations ang joint personnel ng San Vicente MPS, Municipal Public Safety and Emergency Program at LGU San Vicente sa mabundok na bahagi ng Purok 8, Brgy. Alimanguan at narekuber nila ang isang chainsaw na walang marka at serial number habang ang suspek naman ay tumakbo patungo sa kabundukan at nagawang makatakas sa pag-aresto ng mga awtoridad.

Sa kasalukuyan ay hawak na ng San Vicente MPS ang nakumpiskang ebidensiya at inihahanda na rin ang kaukulang kaso na ihahain laban sa suspek sa Tanggapan ng Provincial Prosecution.