Police Report

Mangingisdang wanted sa attempted murder, arestado

By Jewerly Cabanoang

August 28, 2020

Arestado kaninang umaga sa  Brgy. Concepcion Busuanga, Palawan ang isang lalaki wanted  sa kasong  attempted  murder.

Nakilala ang suspek na si Jeffrey Macmac, 23 years old isang mangingisda at residente  ng Purok 3, Brgy Concepcion Busuanga.

Inaresto ng Busuanga PNP ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na may criminal case number 2020-0245 ibinaba ni  Judge Arnel P. Cesar ng Regional Trial Court Branch 163 nitong lamang nakaraang July 30, 2020

Pansamantalang nasa kustodiya sa piitan ng Busuanga PNP Station para sa karampatang disposisyon nito. Subalit pansamantala namang makakalaya kapalit ng pinyansang  P120,000