Police Report

Menor, patay sa pananaga sa Barangay Sta. Lourdes

By Jane Jauhali

May 08, 2022

Dead-on-arrival sa pagamutan ang 14 anyos na kinilalang si Kenneth Bantig Dela Cruz, residente sa Barangay Sta. Lourdes.

Sa imbestigasyon ng PNP at base na rin sa nakasaksi na si Leo Zabalo Dela Cruz, may-ari ng bahay, ganap na 11:45 kagabi ika-7 ng Mayo sa Purok Mainit, Barangay Sta. Lourdes naganap ang krimen.

Narinig ni Dela Cruz na nagsisigaw na humihingi ng tulong sina Romeo Cabayan, 24 anyos, at Marvin Romeo Cabayan, 14 anyos, at paglabas niya ng kanyang silid nakita niya ang dalawa may mga sugat at ang kanyang pamangkin na si Kenneth nakahandusay sa sahig at duguan.

Ayon kay Marvin, ang tumaga sa kanila ay malaking tao na mahaba ang buhok at nakasuot ng kulay dilaw na damit.

Natukoy ang suspek na kinilalang si Regie Asigan, caretaker sa Barangay Sta Lourdes.

Lumalabas din sa imbestigasyon ng pulisya na nagkaroon ng komprontasyon sa pagitan ni Leo Dela Cruz may-ari ng bahay at ng suspek dahil sa pagkawala ng manok na panabong at ang suspek ang pinaghihinalaang nagnakaw.

Nasa kustodiya na ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang suspek at ang patalim na ginamit sa krimen.

Nakatakda namang i-turnover sa Puerto Princesa City Police Station 2 ang suspek na nahaharap sa patong-patong na kaso.