Arestado ng Criminal Investigation and Detection Group Palawan PFU, Puerto Princesa City Police Office, City Intelligence Unit, at Provincial Intelligence Drug Mobile Unit ang lalaking ika-6 sa talaan ng “Most Wanted” sa lalawigan.
Inaresto si Samuel Alejandro, 52-anyos, pastor ng Fundamental Baptist at residente ng Barangay Tiniguiban, Puerto Princesa City, Palawan.
Ayon sa Puerto Princesa City Police Office, ganap na 4:50 PM nitong ika-14 ng Marso, nang maaresto ang suspek sa tapat ng shopping mall sa Barangay San Manuel.
Bitbit ng mga operatiba ang warrant of arrest na pirmado ni Judge Jocelyn Sundiang Dilig ng RTC Branch 47, Puerto Princesa City noong ika-12 ng Oktobre 2021.
Kasong panggagahasa ng apat na beses at kinakaharap ng pastor at walang pyansa inilaan ang korte sa suspek.
May karagdagang apat na kaso pa ng Acts of Lasciviousness ang arestado na may pyansa nagkakahalaga ng P36,000.00 bawat kaso.
Nasa kustodiya ngayon ng CIDG-Palawan si Alejandro.