Police Report

Review ng basic gun handling ng mga Pulis, sinang-ayunan

By Claire S. Herrera-Guludah

November 25, 2022

Matapos ang insidenteng naganap kamakailan na pagkamatay ng isang miyembro ng Special Weapons and Tactics (SWAT) team ng San Pablo City Police Station sa Laguna dahil aksidenteng naputukan ng nililinis na baril ang sarili, agaran namang inatasan ni PNP chief Police General Rodolfo Azurin Jr. ang lahat ng unit commander na pag-aralan ang basic gun handling ng kanilang mga tauhan.

 

Kinilala ang biktima na si Police Corporal Fhrank Aldene Dela Cruz at isinugod pa ito sa ospital nguni’t idineklarang dead on arrival.

 

Sinabi ni General Rodolfo Azurin, Jr., dapat na maging bahagi ito ng ibinibigay na impormasyon ng mga chief of police at command executive senior police officer tuwing Lunes, kailangan i-review ang basic gun handling dahil nagbabago na rin ang mga ginagamit nilang baril.

 

Samantala maliban sa insidenteng naturan, mayroon ding nangyari sa lalawigan kamakailan na kung saan isang sundalo ang namatay matapos aksidenteng mabaril ang sarili habang naglilinis ng kanyang service firearm sa kanilang tahanan sa Roxas, Palawan.

 

Dahil dito, ilang mga legit gun owners’ ang sumang-ayon na kailangang magkaroon ng mga short courses o seminar na maaari silang makadalo para sa basic safe gun handling.

 

Bago pa man magka pandemya, palagian nang may mga seminar at forum mna ipinagkakaloob ang mga lokal na pamahalaan at iba pang ahensiya ng gobyerno, kung paano mananatiling ligtas at malayo sa kapahamakan ang mga mamamayan ng isang lokalidad.