Police Report

‘Street level’ drug pusher sa Narra, timbog sa buy-bust

By Diana Ross Medrina Cetenta

June 09, 2020

Arestado sa isang buy-bust operation kamakailan ang isang lalaki sa Bayan ng Narra.

Kinilala ang suspek na si Reymon Pagubo Cueno, 26, may asawa, self-employed at residente ng Quirino Ave. Brgy. Poblacion, Narra, Palawan.

Base sa spot report na ibinahagi ng PPO, ikinasa ng Narra MPS, sa pangunguna ni PMaj. Romerico Agustin Remo, acting chief of police, ang isang anti-illegal drug operation o buy-bust sa National Highway corner Manga Street, Brgy. Poblacion, Narra, Palawan noong Hunyo 6. Sa nasabing operasyon, bumili ng shabu ang poseur buyer na nagkakahalaga ng P500 na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.

Nakumpiska mula sa pag-iingat ng naarestong indibidwal ang isang P500 bill na ginamit bilang buy-bust money, isang pakete na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu (purchased) at isang face mask na naglalaman ng tatlo pang pakete ng shabu.

Bunsod nito nahaharap ngayon ang suspek sa paglabag sa mga probisyon ng Republic Act 9165 o ang “Comprehensive Dangerous Act of 2002.”