Police Report

Suspek sa Coron na mahigit isang taon nang nagtatago sa batas, arestado

By Diana Ross Medrina Cetenta

August 04, 2020

Matapos ang mahigit isang taong pagtatago sa kamay ng batas, dakong 9:30 am kahapon ay nadakip na ng pulisya ang isa sa mga wanted person sa Bayan ng Coron.

Kinilala ang suspek na si Christian Apenoza Acosta, 24 taong gulang, binata, tricycle driver at residente ng Brgy. Poblacion 1, Coron, Palawan.

Dinakip siya ng pulisya dahil sa kasong Acts of Lasciviousness na kung saan ay inirekomenda ang halagang P36,000 piyansa para sa pansamantala niyang kalayaan.

Naaresto naman ang nasabing indibidwal ng mga tauhan ng Coron MPS sa Sitio Bakawan, Barangay Poblacion 1 sa bisa ng ibinabang  Warrant of Arrest ni Judge Arnel P. Cezar, presiding judge ng RTC Branch 163- Coron Palawan noon pang Abril 1, 2019.

Sa kasalukuyan ay nasa kustodiya na ng Coron MPS ang suspek at nakatakdang presenta  sa issuing court para sa tamang disposisyon.