Kusang sumuko sa mga kinauukulan ang isang indibidwal kahapon na umano’y nanggulo at nagpaputok gamit ang improvised handgun sa Bayan ng Narra.
Kinilala ang suspek na si Rey dela Cruz Cesar, 56 anyos, binata, mangingisda at residente ng Brgy. Bato-bato, Narra, Palawan.
Sa spot report ng Palawan PPO, bandang 2:20 pm kahapon, tumungo ang kapitan ng Brgy. Bato-bato, sa Narra Municipal Police Station (MPS) at itinurn-over ang suspek kasama ang improvised caliber .38 handgun na walang serial number, tatlong pirasong bala at dalawang fired cartridges.
Batay pa sa report ng Provincial PNP, dakong 9:00 am kahapon sa nabanggit na lugar, tumawag ang isang concerned citizen kay Kgd. Junjie Farman at humihingi ng tulong kaugnay sa nagaganap umanong gulo sa mga oras na iyon.
Nang dumating sa lugar, nakita umano ni Kgd. Farman ang suspek na armado ng isang handgun at nagpaputok ng dalawang beses. Nagpakilala naman ang kagawad sa suspek at kalaunan ay sumuko sa kanya kasama ang dala-dala niyang baril.
Nahaharap naman ngayon ang suspek sa paglabag sa Republic Act 10591 o ang “Comprehensive Firearms and Ammumition Regulation Act at Discharge of Firearms.