Huhulihin lamang sana ng pulisya ang isang suspek sa Bayan ng Quezon dahil sa paglabag sa ilang probisyon ng “Anti-Voilence Against Women and their Children Act” nang mahulihan pa siya ng isang improvised firearm.
Kinilala ang suspek na si Jhun Rey “Jurr Jurr” Quiocson Condesa, 34 taong gulang, may asawa, mangigisda at residente ng Sitio Tina, Brgy. Tagusao, Quezon, Palawan.
Dakong 2:20 pm noong August 15, 2020 nang tumungo ang mga personnel ng Quezon MPS sa Sitio Underground, Brgy. Alfonso XIII, Quezon, Palawan upang dakpin ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest ni Judge Jose Bayani J. Usman, presiding judge ng RTC Branch 50 para sa mga paglabag sa Sec 5 (a) at (b) ng RA 9262 nang makita pa sa kanyang pag-iingat ang isang long improvised firearm na di pa batid na kalibre.
Sa kasalukuyan naman ay nasa kustodiya na ang suspek ng Quezon MPS para sa proper disposition at nahaharap din sa kasong paglabag sa RA 10591 o ang “Illegal Possession of Firearm.”