Arestado ng Narra Municipal Police Station ang tatlong katao sa Barangay Antipuluan, Narra, Palawan ganap na 8:30 kaninang umaga, Abril 20, dahil sa kasong Grave Coercion.
Sa ulat ng Palawan Provincial Police Office ang tatlong indibidwal ay kinilala na sina Ivy P. Sabando, 34-anyos, Shyrman P. Sabando, 36-anyos, at Richard V. Queron, 35-anyos, at pawang mga residente ng nabanggit na barangay.
Ang nasabing warrant ay pirmado ni Judge Melissa Grace Tanco Perola-Meregillano ng MTC 4th Judicial Region, Narra, Palawan.
May inilaang piyansa naman ang korte sa halagang P36,000 para sa pansamantalang kalayaan ng mga ito.
Samantala, kasalukuyang nasa pangangalaga ng himpilan ng Narra PNP ang tatlo para sa tamang disposisyon.