Nasa pangangalaga na ng Barangay San Pedro ang tatlong katao matapos na harangin at habulin ng miyembro ng 911 pasado ala-una ng madaling araw ng ika-1 ng Abril.
Ayon kay City Information Officer Richard Ligad, head ng Anti-Crime Task Force, agad na rumesponde sa bahagi ng Palo Alto sa Barangay San Pedro ang kawani ng ACTF, matapos na makatanggap ng tawag mula sa 911.
Naabutan ang tatlo na sina Cristian de Guzman 28 anyos, Eduardo Caborrubias, 30, at Marry Grace Vicente, 30, pawang mga residente sa lungsod.
Sa sumbong ng biktima na si Wilfredo Sabrosa Jr., 36 anyos, hinarang at hinabol raw siya ng tatlong nakamotorsiklo na nakainom.
Mariing pinabulaanan naman ng tatlo ang paratang ng biktima na hindi nila hinarangan at hinabol ang biktima.
Sa ginawang pagresponde ng ACTF, isa sa tatlo ang nakitaan ng kutsilyo.
Dinala na ang mga ito sa barangay para sa tamang desposisyon.