Nalambat ang isang tricycle driver sa Joint Anti-Illegal Drug Operation na ginawa ng City Drug Enforcement Unit (CDEU), City Mobile Force Company(CMFC) at Police Station 2 ng Puerto Princesa City Police Office sa National Highway, Bgy. Sicsican, Puerto Princesa City ganap na 6:10 PM ngayong November 9.
Nakilala ang suspek na si Winston Osorio Bacangallo alyas Boyet, 34, may asawa, at residente ng Purok Kapatagan, Bgy. San Manuel, dito sa Syudad.
Batay sa report ng pulisya, ang suspek ay newly identified drug pusher sa Lungsod.
Samantala, nakuha sa suspek ang dalawang (2) heat-sealed transparent plastic sachets na may lamang white crystalline substance na pinaniniwalaang shabu, P3,000.00 na buy-bust money at isang cellphone.
Sa ngayon ang suspek ay nakapiit sa PPCPO Custodial facility (lock-up jail) habang inihahanda ang isasampang kaso partikular na ang paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.