Police Report

Wanted person dahil sa kasong attempted murder, nadakip na ng El Nido MPS

By Diana Ross Medrina Cetenta

July 10, 2020

Nahuli na ng El Nido MPS ang isang wanted person na may kinakaharap na kasong tangkang pagpatay.

Kinilala ang suspek na si Aventurado Soberano Rey, 38, may asawa, drayber at residente ng Brgy. Burirao, Narra, Palawan.

Sa spot report ng Palawan PPO, nakasaad na dakong 12:00 nn noong July 8 nang arestuhin ang nasabing indibidwal ng mga tauhan ng El Nido MPS sa Sitio Tumbod, Brgy. Sibaltan sa bisa ng Warrant of Arrest na ibinaba ni Judge Paul B. Jagmis Jr. ng RTC Branch 95-Roxas na may petsang Marso 6, 2020. Inurekomenda naman ang P120,000 bilang piyansa para sa pansamantala niyang kalayaan.

Sa ngayon ay hawak na ng PNP El Nido ang nahuling indibidwal at nakatakdang ipresenta sa issuing court para sa tamang disposition.