Police Report

Wanted person sa Bayan ng San Vicente dahil sa kasong tangkang pagpatay, nadakip na

By Diana Ross Medrina Cetenta

July 18, 2020

Naaresto na ng pulisya ang isang wanted person sa munisipyo ng San Vicente na may kinakaharap na kasong frustrated murder kahapon ng umaga.

Kinilala ang suspek na si Jie “Jay Yayen” Laderas Yayen, 25 anyos, binata,magsasaka at residente ng Sitio Macatumbalen, Brgy. Poblacion, San Vicente, Palawan.

Nadakip ang nasabing indibidwal ng mga personnel ng San Vicente MPS sa Sitio Macatumbalen, Brgy. Poblacion sa bisa ng Warrant of Arrest na ibinaba ni Judge Anna Leah Y. Tiongson-Mendoza ng RTC Br 164, Roxas noong ika-3 ng Pebrero, 2020.

Inirekumenda naman ng hukuman ang piyansang nagkakahalaga ng P200,000 para sa pansamantala niyang kalayaan.

Sa kasalukuyan ay nasa kustodiya na ng San Vicente MPS ang suspek at nakatakdang ipresenta sa issuing court para sa tamang disposisyon.