Police Report

Wanted person sa Brooke’s Point dahil sa kasong murder, arestado

By Diana Ross Medrina Cetenta

July 23, 2020

Arestado na noong Hulyo 21 ang isang wanted person sa Bayan ng Brooke’s Point dahil sa kasong pagpatay.

Kinilala ang suspek na si Kerwin Muhammad, 37 anyos, may asawa, magsasaka, at naninirahan sa Sitio Bawang-Bawang, Brgy. Maasin ng nabanggit na munisipyo.

Sa spot report mula sa Palawan PPO, nakasaad na dinakip ang suspek dakong 10:40 pm ng nabanggit na petsa ng mga tauhan ng Brookes Point MPS at PIU sa bisa ng warrant of arrest na ibinaba ni Judge Ramon Chito R. Mendoza ng RTC Branch 165 Brooke’s Point noong Hulyo 3, 2020. Hinuli ang suspek dahil sa paglabag sa Article 266 (a) ng Revised Penal Code (RPC) o ang kasong murder.

Sa kasalakuyan ay nasa kustody na ng Brookes Point MPS ang nasabing indibidwal upang ipresenta sa issuing court para sa tamang disposisyon.