Police Report

Wanted person sa Coron dahil sa paglabag sa RA 7610, nadakip na

By Diana Ross Medrina Cetenta

July 15, 2020

Nadakip na ng Coron MPS ang isang wanted person sa kanilang bayan dakong 2:30 pm kahapon, July 14, 2020.

Ang naarestong indibidwal ay kinilalang si Fidel Pormarang Diaz, 72, may asawa, walang trabaho at residente Brgy. Tagumpay, Coron, Palawan.

Sa bisa ng warrant of Arrest na inilabas ni Judge Arnel P. Cezar ng RTC Branch 163, Coron noong Hulyo 2,2020, hinuli ang nasabing indibidwal dahil sa two counts ng paglabag sa Section 5(b) ng R.A. 7610 o mas kilala bilang “Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act” na kung saan ay inirekomenda ang P200,000 na piyansa sa bawat isa para sa pansamantala niyang kalayaan.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Coron MPS ang suspek at nakatakdang ipresenta sa the issuing court para sa tamang disposisyon.