1-Care Party List nilalayong maging sandigan ng consumers na gumagamit ng kuryente, petrolyo at tubig.
Ayon kay Batangas Congressman Mike Rivera, kung papalarin na manalo ang kanilang grupo na 1-Care isa sa kanyang tutukan ang sektor ng enerhiya lalo na sa Palawan na mataas ang petrolyo na dahilan rin ng pagtaas ng kuryente.
Aniya, kung kaya ng local government na magpapasok ng malalaking players sa Palawan na kaya naman magbigay ng murang petrolyo upang mapababa ang singil sa kuryente.
Dagdag nito, dapat ang Palawan rin ang unang nakikinabang sa power generation na sinusupply ng malampaya nang sa ganun ay mababa ang petrolyo.
“Ang kuryente naman dito ay matindi ang pulitika ng Paleco bago nasa spot pa kayo nasa island so ang supply niyo karamihan diesel pero dapat kayo ang unang nakikinabang sa Malampaya,” saad ni Rivera.
Ayon pa dito, mas pinakikinabangan pa ng probinsiya ng Batangas ang Malampaya na siyang nagsu-supply sa Meralco.
“Kung ako ang naging gobernador ng Palawan nang panahon na ginagawa ang Malampaya, hindi kami papayag na walang makukuhang magandang benipisyo ang lalawigan. Katulad ngayon sa inyo tumaas ang diesel nagtaas ang kuryente napolitiko pa kayo,” pahayag ni Rivera.