Pinasinayaan ang bagong Multi-purpose building ng Barangay Inagawan, araw ng Miyerkules (February 10), sa lungsod ng Puerto Princesa.
Kabilang sa mga dumalo sa naturang pagpapasinaya sina Cong. Atty. Gil ‘KabarangayJR’ Acosta, konsehal Elgin Damasco at Jimmy Carbonell at si Engr. Roy Valdez ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Samantala, ang naturang pasilidad ay magsisilbing bagong Barangay Hall ng kanilang barangay. Nagpaabot naman ng taus-pusong pasasalamat ang pamunuan ng Bgy. Inagawan sa pangunguna ni Kap. Roderick Cervancia sa mga proyektong iginawad sa lugar. (PR)