Ilang mga kabarangay na Senior Citizen nakatanggap ng wheelchair mula kay Cong. Atty Gil Acosta Jr., katuwang ang Department of Health (DOH), sa lungsod ng Puerto Princesa, kaninang umaga.
Kabilang sa mga nakatanggap ay si Nanay Lorena Calinog, 82 taong gulang ng Barangay Mandaragat at si Nanay Flora R. Camacho na may edad naman na 92-taong gulang mula rin sa parehong Barangay at si Nanay Teresita Pateño, 82 taong gulang at Nanay Marife Lorena mula naman sa Barangay San Miguel.
Bukod sa wheelchair tatanggap din sila ng assistance na nagkakahalaga ng apat na libong piso (Php 4,000) mula sa opisina ni ‘KabarangayJr’ Acosta katuwang and Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Sa ngayon patuloy parin ang inisyatibo ni Cong. Acosta na matulungan ang ating mga kabarangay lalo na yaong mga nakatatanda sa lipunan. (PR)