Photo from Ipilan Nickel Corporation

Press Release

Ipilan Nickel, naglaan ng mahigit ₱160-M para sa proyektong reforestation

By Palawan Daily News

May 11, 2026

Sa ilalim ng Tree Replacement Program at alinsunod sa Special Tree Cutting and Earth Balling Permits (STCEP) na inisyu ng DENR MIMAROPA, patuloy na pinapalakas ng Ipilan Nickel Corporation (INC) ang pangangalaga sa kalikasan sa pamamagitan ng mas pinaigting na teknikal na pamamaraan at pakikipagtulungan sa komunidad. Sa kabuuang 41,393 puno na may sukat na 15 sentimetro pataas, 30,399 ang isinailalim sa earth balling para mapreserba at muling maitanim.

Umabot na sa Php 4,363,855.05 ang inilaan ng INC para sa earth balling activities, habang pinalalawak ang Tree Replacement Program bilang pandagdag-kabuhayan sa rehiyon. Kabilang dito ang pakikipagtulungan sa mga People’s Organizations gaya ng Sitio Abubakar Coconut Farmers Association, Calasaguen Shore Coconut-Based Association, at Bulho Farmers Association. Sa pamamagitan din ng family-based approach, mas napapalawak ang benepisyong panlipunan kasabay ng rehabilitasyon ng kalikasan.

Kabilang sa mahahalagang resulta ng programa ang:

● Kabuuang saklaw na 3,359.62 ektarya ng reforested areas sa iba’t ibang barangay gaya ng Salogon, Maasin, at Balabac ● Pakikilahok ng 296 na pamilya at mga lokal na asosasyon ● Kabuuang investment na ₱160,241,083.43 para sa reforestation sa tatlong operational batches

Sa patuloy na pakikipag-ugnayan sa DENR-CENRO, tinitiyak ng INC ang maayos na log disposition para sa kapakinabangan ng publiko. Nagkaloob ang kumpanya ng mga naprosesong kahoy at naglaan ng log deck areas para magbigay ng suporta sa mga pasilidad ng lokal na pamahalaan. Sa ngayon, umabot na sa 47,024.94 board feet ng lumber ang naipamahagi sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno, at mahigit 25,000 board feet naman ang naiproseso para sa donasyon sa BJMP at mga lokal na slaughterhouse.

Nanatiling nakatuon ang Ipilan Nickel Corporation sa malinaw na pakikipagtulungan sa mga kinauukulan at sa komunidad, habang patuloy na binabalanse ang operasyon at mahigpit na sinusunod ang pamantayan sa pangangalaga ng kalikasan.