Maaari nang magkaroon ng bahagi ang mga Pilipino sa ilan sa mga nangungunang kumpanya sa bansa gaya ng Jollibee, SM, BDO, at Globe sa pamamagitan ng GStocks PH ng GCash.
Sa halagang ₱500, maaari nang magsimulang mamuhunan ang mga user sa stock market at magkaroon ng shares sa mga kumpanyang nakalista sa Philippine Stock Exchange (PSE).
Ang GStocks PH ay isang in-app stock trading platform na pinapagana ng AB Capital Securities Inc. (ABSCI). Mayroon na itong mahigit 2 milyong users na ang kalahati ng online retail stock market accounts ay sa Philippine Stock Exchange (PSE).
“Layon ng GCash na bigyang-kakayahan ang bawat Pilipino na magkaroon ng accessible at secure na paraan upang mapangalagaan ang kanilang pangmatagalang financial security,” ani Darvin Sy Su, Gcash General Manager for Wealth Management.
Dagdag pa, nasa mahigit 2 milyong Pilipino na ang namumuhunan sa GStocks PH.
Narito naman ang ilang steps upang makapagsimula sa GStocks PH.
Step 1: Mag-register sa Ilang Segundo — Buksan ang iyong GCash app, i-tap ang Grow tab, at piliin ang GStocks PH. Piliin ang AB Capital Securities, Inc. (ABSCI), kumpirmahin ang iyong pre-filled personal information, at makakuha ng digital approval sa loob lamang ng ilang minuto.
Step 2: I-fund ang Iyong Wallet nang Libre — I-tap ang Cash In sa loob ng GStocks PH, ilagay ang halagang nais ipuhunan (simula sa ₱500), at i-tap ang submit. Agad na maililipat ang funds mula sa iyong GCash wallet nang walang transfer fee.
Step 3: Bumili ng Unang Stock — I-tap ang Invest, tingnan ang listahan ng mahigit 280 kompanya o ang mga curated picks, piliin ang brand na nais mo, at i-tap ang Buy. Piliin ang pricing method (Limit o Conditional Order), suriin ang trade details, at i-submit ang iyong order.