Provincial News

13 local transmission ng COVID-19, naitala sa Cuyo

By Diana Ross Medrina Cetenta

October 04, 2020

Labintatlong (13) panibagong kaso ng COVID-19 ang inanunsiyo ng lokal na pamahalaan ng Cuyo, Palawan base sa resulta ng isinagawa nilang swab tests.

Sa inilathalang impormasyong ng LGU Cuyo sa kanilang social media page  kahapon, sa 68 indibidwal na na-swab na mga close contacts sa naunang local cases, 13 sa kanila ang nagpositibo at kasalukuyang under observation sa kanilang isolation facilities.

Sa kasalukuyan, 55 na ang total cases ng Bayan ng Cuyo, na kung saan, 31 dito ay active cases, 33 ang imported, at 22 ang local cases at 24 recovered.

Sa nasabing bilang ukol sa local cases, 12 sa kanila ay mula sa Brgy. Cabigsing,  apat sa Brgy. Bancal, dalawa sa Brgy. Catadman, isa sa San Carlos na sa ngayon ay nasa Ospital ng Palawan (ONP), habang pawang tig-isa rin ang naitala sa mga Brgy. Tenga-Tenga, Brgy. Suba at Brgy. Caponayan.

“Padayon lamang ateng pagampo sa ateng Guinoo nga malampasan ta ang pandemya nga dia. Padayon kita ra magdason ang mga safety protocols para sa sadiling kaayadan ig sa tanan. God Bless Cuyo Island! (Patuloy lamang po tayong manalangin sa ating Panginoon na malampasan natin ang pandemyang ito.

Manatili po tayong sumunod sa mga safety protocol para sa ating kaligtasan at sa kaligtasan ng lahat)!” ang bahagi ng pagpapabatid ng lokal na pamahalaan ng Cuyo sa kanilang mga nasasakupan.