Nakumpiska sa Sitio Lob-lob, Barangay Pasadeña, El Nido, Palawan ganap na 2:20 PM November 9, ang daang-daan na mga kahoy.
Ayon sa report ng Nido MPS, nagsagawa ng surveillance ang PCSD Enforcement section at POP-PGD sa tahanan ng suspek na si Allan Ustares Tenorio, 33-anyos at nakita sa loob ng basement nito ang mga kahoy na ipil.
Agad nagsagawa ng operasyon ang El Nido PNP kasama ang 23rd Marine Company sa lugar at nasabat nila ang daang-daan na Ipil o 1,500 bd/ft nagkakahalaga ng Php120,000.00.
Nahaharap si Tenorio sa kasong paglabag ng PD 705 o Forestry Reform Code.
Samantala ang mga kahoy ay na-e-turnover na sa pmunuan ng CENRO-El Nido.