Provincial News

2 suspek sa pagpatay kay Atty. Magcamit, arestado

By Gilbert Basio

February 17, 2021

Hawak na ng mag awtoridad ang dalawang (2) suspek sa pagpatay kay Atty. Eric Jay Magcamit. Naaresto ito sa magkaibang lugar sa Puerto Princesa kahapon, Pebrero 16, 2021, sa bisa ng warrant of arrest.

Kinilala ang mga naaresto na sina Police Staff Sergeant (PSSgt.) Ariel Pareja, 39 anyos, PNP personel na naka-assign sa Palawan Provincial Police Office (PPO) at si Marcelino Quioyo, 69 anyos, at residente ng Barangay San Manuel, Puerto Princesa City.

Unang dinampot ng mga otoridad sa PSSgt. Pareja sa Camp. Higinio Mendoza, Barangay Tiniguiban mga bandang alas 5:20 ng hapon. Habang si Quioyo naman ay inaresto alas 7:30 ng gabi sa BM Road, Barangay San Miguel.

Ang dalawa ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Judge Angelo Ramirez Arizala, dahil sa kasong pagpatay o murder na may Criminal Case No. 40968. Walang inererekomendang piyansa ang korte para sa kanilang pansamantalang kalayaan. Sa ngayon si Pareja at Quioyo ay nasa pangangalaga na ng CIDG-Palawan.

Matatandaan binawian ng buhay si Atty. Eric Jay Magcamit matapos pagbabaril ng dalawang kalalakihan sa Bayan ng Narra noong Nobyembre 17, 2020 habang patungo ito sa pagdinig sa kasong hinahawakan sa Bayan ng Quezon.