Nagsilbing aral sa Bayan ng Cagayancillo ang nangyaring pagtaas ng COVID-19 virus cases noong November 25 hanggang December 9 at kasalukuyang mahigpit na ipinapatupad ang Health Protocols and Guidelines ng Incident Management Team (IMT) ayon kay Mayor Sergio Tapalla.
“Lesson po ‘to sa amin sa Bayan ng Cagayancillo… medyo wala na tayong kompyansa. So [ang naging] lesson po sa amin doon sa management ng COVID [virus ay] we have to strictly enforce kung ano yung…mga protocols na nasa ating batas,”ani Mayor Tapalla.
Gumaling na ang mga 35 katao na nagpositibo sa nasabing virus at nai-lift na rin ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa kanilang munisipyo.
“Itong 35 na ‘to [na unang nagpositibo sa COVID-19 ay] walang sintomas, umabot na po sila ng 14 days…siguro sumobra na po sila sa 14 days [ngayon]. So upon recommendation ng ating Municipal Health Officer after, ayon sa kanya may mga binasehana standard ng Department of health, 14 days wala na yung virus sa kanila,” dagdag ni Tapalla.
Pahayag pa ng Alkalde na ang mga Authorized Persons Outside Residence (APOR) ay pinahihintulutang bumyahe muli papunta ng Cagayancillo subalit kinakailangan ng medical certificate mula sa Municipal Health Officer (MHO). Samantala sa ngayon ay naka-hold muna ang ano mang pagbiyahe ng paalis at papunta sa Lungsod ng Puerto Princesa.