Provincial News

29.6% positivity rate, senyales na bumababa ang kaso ng COVID-19 sa Palawan – PHO

By Mary Honesty Ragot

June 08, 2021

Naitala ng Provincial Health Office (PHO) ang 29.6% positivity rate as of week 23, June 5, 2021. Sa 6,466 individuals tested, 1,913 lamang dito ang nag-positive sa COVID-19, mas mababa kesa sa 63% nitong mga nakaraang linggo.

Ito ang naging ulat ni Provincial Health Officer Dr. Faye Erica Labrador sa Question and Answer Hour sa Regular Session ng Sangguniang Panlalawigan.

Ayon kay Labrador, ang nasabing porsyento ay isang indikasyon na bumababa na ang kaso ng COVID-19 sa Lalawigan ng Palawan.

“This means na currently mas mababa ang ating positivity rate and this means po na mas bumababa ang ating kaso (COVID-19). However, a positivity rate of greater than 5% is a high positivity rate. We should strengthen pa po ng ating pag-control sa interzonal movement, continuing on with a testing, contact tracing, isolations and quarantine of the individuals that are exposed of COVID-19.” – sinabi ni Dra. Labrador.

Samantala, Sa tala ng PHO, ang top 5 municipalities na may pinaka-maraming kaso ng aktibong kaso ng COVID-19 as of June 7 ay ang mga bayan ng Roxas (122), Bataraza (117), Brooke’s Point (84), Coron (75) at Taytay (61).