Photo Credits to Rhoda Ilisan

Provincial News

Dahil sa kauna-unahang pagkakataong walang quorum, Paleco Annual General Assembly Meeting hindi natuloy

By PDN staff

August 05, 2022

Hindi natuloy ang 40th Annual General Assembly Meeting ng Palawan Electric Cooperative(Paleco) na ginanap sa Narra Municipal Covered Court sa bayan ng Narra dahil ealang quorum.

Sa kauna unahang beses, walang quorom na naitala sa mahigit 112,408 na bilang ng Member-Consumer-Owners ng Paleco. Wala pang 5% ang nagparehistro.

Sa ulat ni Engr. Aladin P. Cruz, Board Secretary/ Treasurer, umabot lamang sa 5,071 ang naitala, samantalang 5,620 ang kinakailangang bilang para dito.

Sa panayam kay Jeffrey Y. Tan-Endriga, Chairperson ng Board of Directors, matapos hindi matuloy ang AGAM sa kabila ng halos tatlong buwang preparasyon,  “unang-una titingnan natin ang venue dahil malaking factor iyon. I-consider din natin ang suggestions ng isa nating MCO na ganapin ito sa Puerto Princesa,” paliwanag ni Endriga.

“Titingnan din natin kong may budget tayo dahil ang pag conduct ng General Assembly Meeting ay hindi baba sa 4 Million ang gagastusin natin. Or it’s either agahan natin yung ating General Assembly meeting na first quarter ma conduct na,” dagdag pa nito, at sinabing, “Hindi kaya ni PALECO itself kailangan  ng support ng MCO natin.”

Ang AGAM ay nararapat na magsimula ganap na ala una ng hapon, noong ika-23 ng Hulyo, at may temang: “Kabalikat ka Kamay-ari: Kaanib sa Pangarap, Pagpapahalaga at Pananagutan.”

Matapos ang unang bahagi ng programa at makapagsalita ang panauhing pandangal sa  katauhan ni Deputy Administrator for Electric Cooperative Management Services ng National Electrification Administration Atty. Omar M. Mayo, sinundan kaagad ito ng  pa-raffle na siyang pinakadahilan kung bakit marami ang dumalo mula sa naturang bayan.

Ngunit nang umabot na ito sa 3:00 PM ay nagreport si Engr. Cruz, kaya’t umani ito ng masamang reaksyon sa lahat ng mga dumalong kamay-ari ng Paleco.

Mabilis na nag-gmotion para i-adjourn ang AGAM, at may nag-second the motion kung kaya’t wala nang nagawa ang Board of Directors kahit ipilit nila  na makapagpresenta pa ang dalawang investors na dumalo sa aktibidad.

Kasunod naman nang pangyayari ang mainit na palitan ng mga opinyon at reklamo mula sa mga dumalo na karamihan ay mga taga-

lungsod ng Puerto Princesa.

Sa panayam mula sa ilang nagsalitang MCOs, sakaling natuloy ang annual assembly, kanilang isusulong na pababain ang mga overstaying na miyembro ng board na kinabibilangan ng Chairman mismo nito na si Jeffrey Y. Tan- Endriga, Vice Chairman Maylene D Ballares,  District II Director Moises R. Arzaga Jr, at Atty. Raymond Acosta ng District X.