Photo Credits to Palawan Tourism and Promotions

Provincial News

41 tourism frontliners mula sa LGU Quezon, sumailalim sa isang workshop

By Jane Jauhali

February 28, 2023

 

Matagumpay na naisagawa ng Provincial Government ng Palawan sa pangunguna ng Provincial Tourism Promotions and Development Office (PTPDO), kasama ang LGU Quezon ang Filipino Brand of Service Excellence Seminar- Workshop ngayong araw ng Martes, Pebrero 28.

 

Ang nasabing aktibidad ay nilahukan ng 41 partisipante na tourism frontliners, may-ari o tauhan ng local accommodations at establisyemento.

 

Layunin ng workshop na mag tuloy-tuloy ang magandang relasyon sa pagitan ng mga may-ari at ng kanilang mga customers.

 

Ang pagtuturo ay  isinakatuparan nina Annah Thess Graciano at Arianne Trasporto na na-assign bilang  administering  seminar-workshop, habang sa  DOT-accredited naman ay si Bryan Dizon na nagsilbe bilang  trainer/resource speaker.