Arestado sa bayan ng Brooke’s Point ang wanted person at pang-apat na most wanted sa bayan
na si Walito Banadan Masap a.k.a “Totoy”, 41 anyos, residente ng Brgy. Barong-Barong nitong November 25.
Inaresto ng Brooke’s Point PNP ang lalaki sa bisa ng warrant of arrest na pirmado ni Judge Ramon Chito R Mendoza ng RTC Branch 165 na inilabas nitong September 9, 2021 sa kasong frustrated murder.
Kinailangan makapaglaan ng pyansa ang nasasakdal sa kaso nito sa halagang Php200,000.00 para sa pansamantalang kalayaan mula sa piitan ng Brooke’s Point Municipal Police Station.