Naglagay ang Pamahalaang Bayan ng Roxas ang pitong Floating Guard house sa iba’t ibang barangay sa bayan na magsisilbing bahay-silungan ng mga bantay sa kararagatan na itatalaga ng mga opisyales ng barangay sa kanilang lugar.
Sa post ni Municipal Administrator Vic Lagera sa kanyang social media account kahapon, binanggit niyang nilagay ang mga ito sa mga barangay ng Tumarbong, Tinitian, Jolo, San Miguel, Caramay, Johnson at Malcampo.
Naisakatuparan umano ang naturang proyekto sa pakikipagtulungan ng DA-PRDP GEF, barangay officials, komunidad at ng Pamahalaang Lokal ng Bayan ng Roxas.
“Ang araw ng pormal na turn-over sa mga barangay ay isasagawa sa mga susunod na araw,” ang bahagi ng post ni Lagera.
Sa hiwalay namang panayam kay Lagera, tinuran niyang sinimulan ang proyekto nnon pang termino ni Roxas former Mayor at ngayo’y Board Member Maria Angela Sabando.
“Continuous project ‘yan. May package ‘yan na MPA management and micro enterprise,” ayon pa sa Municipal Administrator.