Provincial News

86, nahuli dahil sa illegal drugs ngayong Q1

By Jane Jauhali

March 31, 2022

Nilabas na ng Police Regional Office-Mimaropa, ang bilang ng mga nahuling sangkot sa droga o suspek sa patuloy na kampanya kontra ilegal na droga ng mga awtoridad.

Sa Data Integration at Generation System ng Regional Operations Division, mula January 2022 at kasalukuyang buwan ng March, 86 na drug suspects na ang nasa pangangalaga na ng mga awtoridad dahil Anti-drug buy-bust operations.

Nasa 267.440 grams ng shabu ang nasabat  na nagkakahalaga naman ng  P1,818,592 o mahigit isang milyon na.

Sa impormasyon nakalap ng news team, mula January 1 hanggang March 31, 2022, nanguna ang Oriental Mindoro Provincial Police Office sa may maraming drugs operations, sinundan ng Occidental Mindoro, pangatlo ang Palawan Provincial Police Office, pang-apat ang Puerto Princesa City Police Office, at panglima ang Marinduque.

Nagpasalamat naman si Police Brigadier General Sidney Sultan Hernia sa mga kapulisan sa matagumpay na operations sa pagkaka-aresto sa mga sangkot kontra droga.