Provincial News

9 na may COVID-19 sa Bayan ng Coron, gumaling na

By Gilbert Basio

September 23, 2020

Siyam katao ang naitalang recovered o gumaling na sa COVID-19 sa Bayan ng Coron, Palawan.

Base sa post ng Coron PIO, idineklarang recovered na kagabi ni Coron Municipal Health Officer  Alan R. Guintapan ang nasabing mga indibidwal matapos ang 21 days na pagpapagaling nila sa isolation facility ng munisipyo.

Kinabibilangan umano ito ng 25 taong gulang na buntis na unang kaso sa Poblacion 1, mga naging close contacts nito na nagpositibo sa virus habang ang tatlo naman ay mula sa close contacts ng isang 68 anyos na mula rin sa parehong barangay na gumaling na rin noong nakaraang araw.

Samantala, ang siyam ay pinapayuhan na magsagawa ng karagdagang pitong araw na home quarantine para sa karagdagang pag-iingat.