Police Report

Anim na mangingisda, huli sa paggamit ng compressor

By Jane Jauhali

November 12, 2021

Nahuli ang anim na mangingisda sa karagatan ng Sitio Tagauayan, Brgy Cocoro, Magsaysay, Palawan November 11, ganap na 4:45 ng madaling araw.

Ayon sa report ng Provincial Police Office, nagsasagawa ng seaborne patrol ang Magsaysay PNP sa karagatan ng Brgy. Cocoro nang makita ang isang bangkang pangisda lulan ang anim na mga lalaki.

Sila ay sina Franco E. Zabanal, 32, Boat Captain; Randy C. Zabanal, 54; Felix M. Taladro Jr,  25; Edwin N Daitol, 46; at Jarlie V. Ugueria, 35, na pawang residente ng Sitio Tabunan, Suba, Cuyo; at Jofred C. Namia, 44 anyos, residente ng  Brgy. Rizal, Magsaysay.

Huli sa akto ang anim na gumagamit ng compressor, dalawang roles ng plastic hose, tatlong pares ng improvised foot paddles, at tatlong goggles.

Paglabag sa  Municipal Ordinance No. 2010-079 o Banning the Use of air Compressor ang kasong kinakaharap ng anim na mangingisda.