Mga suspek na aresto dahil sa pagtutulak ng bawal na gamot. (Mga naambag na larawan)

Drug War

Apat na drug suspek, timbog sa magkahiwalay na buy-bust

By Sevedeo Borda III

January 12, 2019

Unti-unti na ring nabawasan ang mga drug pushers sa lalawigan ng Palawan dahil sa mga matagumpay na buy-bust operations ng mga otoridad kamakailan lamang na nagresulta ng pag-aresto ng apat na drug suspects.

Nitong Huwebes lamang, nahuli ng City Drug Enforcement Unit at ng Anti-Crime Task Force ng City Government si Sherwin Sartillo sa Burgos Street, Barangay Magkakaibigan at nakuha sa kanya ang apat na pakete ng pinaghihinalaang shabu, cellphone at marked money na ginamit sa operasyon.

Ayon sa nahuling suspek, napag-utusan lang umano siya ng kaniyang kaibigan na ihatid ang nasabing shabu kapalit ng lubreng gamit bilang bayad dito.

“Inutos lang po sa akin ng kaibigan ko. Pinahatid lang. Di ko naman sukat akalain na ganito ang mangyayare,” saad ni Sartillo.

Dagdag ng suspek, gumagamit din ito sya ng bawal na gamot pero kapag may pagkakataon lang at hindi naman daw ito madalas.

“Minsan po pag may pagkakataon, nakakagamit ako. Pero hindi naman masabing madalas. Minsan pag nauutosan ako, iyon may libreng gamit na ako,” saad ni Sartillo.

Nagsisi na din ang suspek pero dahil sa ebidensyang nakuha sa kanya, wala na rin itong magagawa.

Samantala, sa El Nido, tatlong suspek naman ang na aresto ng mga otorided sa Barangay Buena Swerte sa bayan ng El Nido, sa pangunguna ni PCI Starky Timbancaya.

Nakilala ang mga nasabing suspek na sina Alquin Rada, Vilma Prieto at Josefa Agosto.

Dagdag sa report na nakabili ng dalawang pakete na pinaghihinalaang shabu sa mga suspek at anim naman ang nakuha sa pag-iingat ng mga ito.

Sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 or Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang mga suspek.