“Walang salary negotiation o salary offering,” ito ang naging pahayag ni Engr. Gonzalo Ong, isa sa tatlong aplikante sa pagiging general manager ng Palawan Electric Cooperative (Paleco) ukol sa napabalitang hindi niya umano pagtanggap ng offer dahil sa mababang sahod.
“‘Yung regarding doon sa reason for refusal sinasabi ni chairman, ang board of director ng Paleco, ni Chairman Endriga, actually I wasn’t interviewed by NEA. And we do not have any conversation regarding salary negotiation or salary offering nung mag-apply ako as general manager ng PALECO. Wala, wala kaming ano doon. Parang di ko alam kung saan nanggaling iyon na nag-refuse ako,” pahayag ni Engr. Ong sa ekslusibong panayam ng Palawan Daily News.
Dagdag nito, maaring assumption lamang ng pamunuan ng Paleco ang naging pahayag nito.
“Assumption lang nila ‘yun. Ang malinaw doon, hindi kami nagkaroon ng interview with NEA,” saad ni Ong.
Aniya tatlo silang nag-apply para sa nasabing posisyon at nagkaroon sila ng exam sa main office ng National Electrification Agency sa Diliman.
“Pagkatapos ng half-day naming exam sa NEA, nagpunta kami sa UP School of Psychology. Tapos may series of exam din doon. Pagkatapos almost a month, ininform ako ng NEA HR na that I was the only one recommended by UP and qualified for the position as general manager ng PALECO. Pero hindi kami umabot doon sa interview. Walang salary offering, walang negotiation, walang ganoon. Kumbaga ang only conversation lang namin ay phone and text for inviting me for panel interview sa NEA,” dagdag ni Ong.
Dahil na rin umano sa pagkaroon ng matinding isyu sa Paleco sa nakalipas na mga buwan ang naging rason kung bakit hindi na niya pinagpatuloy ang kaniyang aplikasyon.
“Since nung time na ‘yun, naalala ko, December, January. Nandyan ang issue regarding sa dalawang congressman na nag-file ng House Bill to cancel the franchise of PALECO, backup by same issue supported by DOE Secertary Alfonso Cusi. So parang time na yun, medyo magulo talaga ang PALECO noon, kaya nag-refuse ako. Although nagsabi naman ako sa HR through text ‘I waive my chance to Engr. Aladdin Cruz for the position of GM.’ Tinawagan ako ng HR na hindi pwede sir kasi hindi sya na-recommend ng UP. Hindi pwedeng ipasa. Tatlo lang kami nag-apply.”
Dagdag ni Ong na, “it’s not about money,” pero aniya, hindi na niya muna ipagpatuloy ang intensiyon sa posisyon. “Although ako, willing ako tumulong. Regardless ng may bayad o wala. Gusto ko tumulong para sa taga-Palawan para masaayos ang problema sa kuryente. Gusto ko namang tumulong doon kaya lang syempre hindi ko rin naman magagawa iyun unless part ako nung Paleco. Hindi naman pwede makisawsaw ng ganun ganun lang.”
Ang pagsasapribado umano ng Paleco ay isang mabilisang solusyon pero naninawala si Engr. Ong na kayang ayusin ng management ng Paleco ang mga problema nito ukol sa sunod-sunod na blackout sa lalawigan. Nakasalalay pa rin umano sa management ng Paleco ang pagresolba sa mga problema nito.
“Ang personal opinion ko diyan, hindi naman eh. Hindi naman yan ang ano eh, although iyun ay mabilisang solusyon. Pero naniniwala naman ako kung magiging maayos ang management ng PALECO, maunti-unti nilang mararating ang pagsasaayos eh. Di naman yan masasabi na ngayon nag usap tapos bukas mangyayari na. Gradually, kung meron silang permanent na solusyon.”
Aniya, magiging advantage ang private kaysa sa kooperatiba sa kadahilanang maraming resources o pera para masiayos ang mga problema nito.
“Nakita ko ang advantage ng private keysa sa coop. Kasi sa private may pera sila. Pagkanakita nila na ito ang magandang solusyon, agad-agad kaya nila kumuha ng technical expert. Di katulad dito sa coop, syempre, maraming dadaanan. Bukod sa board of directors, si NEA, DOE, di pwedeng basta basta, self liquidating. Yan ang isang disadvantage ng coop. Pero sa tingin ko, it-s all about the management and the Board. Syempre part ng management yung training, technical training ng mga personnel nila para ma-upgrade nila ang linya. Yun din ang nakikita ko.”
Yung pagkakaroon ng blackout ay normal lang pero kapag sunod-sunod na ito at matagal na ma restore ay problema na din umano ito.
“Yung brownout is normal. Normal naman magkaroon ng fault, any fault on the system is normal naman na nangyayari iyan. Pero yung sinasabing reliability, ang fault mo ay magtagal ng hapon o susunod pa na araw o maya’t-maya, eh I think, there is something wrong. Normal lang yan na magkaroon ng problema. Normal na nagkakasira. Makina yan eh. Pero kung sunod sunod na, eh yun na dapat na tingnan nila.”