Photo Credits to Konsehal Judith Bayron

Provincial News

Bagong konsehal ng lungsod, nanumpa na

By Jane Jauhali

March 24, 2023

 

Pormal ng nanumpa sa harap ni Puerto Princesa City Mayor Lucilo Bayron ang dating konsehal na si Victor S. Oliveros na ngayon ay muling babalik sa 17th City Council.

 

Ang panunumpa ay ginanap nitong Huwebes, Marso 23.

 

Pinalitan nito ang yumaong si  konsehal Feliboy Oliveros.

 

Batay sa Local Government Code, pinirmahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.  ang appointment noong Marso 08.