Larawang kuha ni Pastor Hermie Villanueva.

Provincial News

Bayan ng Culion, nagdeklara ng state of calamity dahil sa malaking sunog

By Mike Escote

February 05, 2019

Nagdeklara na ng “state of calamity” ang bayan ng Culion matapos masunog ang 27 kabahayan sa Barangay Jardin nitong Linggo, ika-3 ng Pebrero 2019.

Ayon kay Mayor Virginia de Vera, ito ay para agad na matulungan ang mga biktima ng sunog kung saan magbibigay sila ng halagang P70,000 bawat nasunugang pamilya.

Sinabi pa ni de Vera na mayroon na ring lupang paglilipatan sa mga nasunugan dahil ayaw na rin tumira ng mga biktima sa dati nilang tinirhan partikular na sa coastal area.

Ang mga nasunugan ay naghahanap na muna ng boarding houses para may matirahan pansamantala at sasagutin ng munisipyo ang kanilang unang tatlong buwanang upa.

Patuloy parin umanong iniimbestigahan ng mga bombero ang sanhi ng sunog sa bayan ng Culion.