Natalakay sa Ika-17 regular sesyon ng City Council araw ng Lunes ika-15 ng Agosto, ang Ordinance 690 “Enacting the Revised Closed Circuit Television (CCTV) ordinance of Puerto Princesa” na akda ni Konsehal Feliberto Oliveros lll.
Ito ay upang lalo pang pagtibayin lalong-lalo na sa agarang pagtugon ng mga may-ari ng establisyemento sa kahilingan ng mga Law Enforcement Agency na makakuha ng kopya ng mga CCTV tuwing may insidente ng krimen para sa agarang pagresulba.
Ayon kay Konsehal Oliveros, mas nauna pang nakakakuha ang mga mamamahayag kaysa sa mga awtoridad.
“Ito po ang aking naging akda ay bilang pagtugon po doon sa naririnig natin sa mga balita na kung minsan ay nahuhuli ang ating mga investigators kung sino man itong law authorities na ito sa pagkuha o pag aapply dahil sa hindi natin alam na kadahilanan, e nauuna pa ang yung media na makakuha, ini- emphasize dito na sana i mas mabigyan diin na yung Law Enforcement Authorities at ini- enumerate po natin kung sino-sino ang nasabi, dati kasi po walang enumeration una Philippine National Police, Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), National Bureau of Investigation (NBI), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kung mayroon involve na drugs, at panglima isama narin natin ang Anti-Crime Task Force dahil may kapangyarihan naman mula sa punong lungsod na manguna sa mga pagkokombat laban sa kremin activities”, ani Konsehal Oliveros.
Nais din ng Konsehal baguhin ang nakasaad sa Section 4 na 72 oras ang palugit sa mga establisyemento na gawin itong 36 hours ay dapat may tugon na mula sa mga business establisment.
“72 oras yung oras po ng pag avail pag-tutugon sa nasabing kasulatan akin pong iminumungkahi na dapat within 36 oras kung maari ay makasubmit na sila ng tugon sa ating mga liham na pag-avail po ng CCTV or viewing,” ani ni Oliveros.
Ayon naman kay Konsehal Judith Bayron, dapat umano ay cancelation o revocation ng mayor’s permit ang ipapataw sa mga hindi susunod sa ordinansa.
At sa halip na suspendihin ang mayor’s permit ng isang establisyemento ay kung maari naman tanggalin at kung maari rin may karampatang kulong.
Para naman kay Konsehal Jimmy Lagan Carbonell na sumusuporta sa dalawang panukala ni Konsehal Oliveros, nais naman nito na gawin 6 oras sa halip na 36 oras naniniwala ito na matagal na ang anim na oras para tingnan, pag-aralan, rebisahin ng may-ari ng establisyemento bago makipagtulungan ang mga ito sa mga awtoridad.
Samantala, ang panukalang ito ni Oliveros ay suportado ng mga kasamahan nito at nais maisakatuparan ito sa lalong madaling panahon upang hindi na maulit ang ganitong klaseng insidente.
Discussion about this post