Binigyang pagkilala ng Sangguniang Panlalawigan sa pamamagitan ng isang resolusyon si Ret. Police Chief Aurelio C. Trampe Jr. kanina Agosto 4, 2020 sa ika 43 Regular na Session ng Sangguniang Panlalawigan.
Si Chief Superintendent Trampe ay isang Palaweño at nagbigay serbisyo bilang kawani ng Philippine National Police (PNP) kung saan ito ay itinalaga bilang Crime Laboratory Director. Si Gg. Trampe din ang nagsilbi bilang Provincial Director ng Palawan Police Provincial Office nung taong 2009 hanggang 2011.
Dahil sa anking dedikasyon nito sa trabaho bilang alagad ng batas, tumanggap din ito ng iba’t ibang pagkilala, parangal at komendasyon mula sa hanay ng kapulisan.
Maituturing umano na dangal ng lahing Palaweño si Chief Trampe na nagpamalas ng kisig at tapang sa pagpapatupad ng kanyang sinumpaang tungkulin.
Si Ret. Police Chief Trampe ay anak nina Judge Aurelio Trampe Sr. na isang kilalang state prosecutor at ni Gng. Dolores Cabrestante-Trampe. Siya ay tubong Narra, Palawan at nagtapos sa Philippine Military Academy (PMA) kung saan napabilang siya sa “Sinag Tala Class of 1986”.
Matapos nito ay nag aral si Gg. Trampe ng abogasya sa Xavier University Ateneo de Cagayan at naging miyembro din siya ng Integrated Bar of the Philippines.
Ang resolusyon na inakda ng mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan na may titulong “In Recognition and Appreciation for Distinguished Services rendered by Police Chief Superintendent Aurelio Cabrestante-Trampe, Jr. to the Province of Palawan and the whole nation.”