Sa ipinasang resolusyon ni 2nd District Board Member Ryan Maminta sa Sangguniang Panlalawigan, hinihikayat nito na gawing mandato ng Provincial Treasurers Office at Provincial Assessor’s na ipatupad na ang exemption sa mga istraktura, gusali, warehouses at iba pang pag-aari na hindi natitinag na ginagamit para sa farm inputs and outputs.
Isinulong nito ang layunin sa pamamagitan ng proposed Resolution No. 31-22- Enjoining the Provincial Assessor’s Office and Provincial Treasurer’s Office to implement the exemption of structures, buildings and warehouses utilized for storage of farm inputs and outputs from real property tax for the benefit of our farmers and fisherfolk, as provided under section 12(B) of RA – 11321 or the Sagip Saka Act.
Ayon Kay BM Maminta, layunin nito na magkaroon na ng exemption ang mga ari-arian na nagkakahalaga ng ₱3 million pababa, o ibig-sabihin sa assessment nito ay maaring maging batayan ng mga nabanggit na opisina ang Republic Act 11321 o ang Sagip Saka Act.
“Yong Republic Act 11321 o ang Sagip Saka, na nagdideklara na exempted itong mga istraktura na ito sa real property taxation ng Local Government unit partikular ng Pamahalaang Panlalawigan,” saad ni Maminta.
“Kung sa assessment ₱3 million pababa yong halaga ng istraktura na ito na tinatanganan ng mga small farmers ng mga fisherfolks natin ng mga association natin mula sa sektor ng agriculture dapat exempted na yon sa real property taxation,” dagdag pa ni Maminta.
Nais ng Board Member na tiyakin ito ng opisina ng Provincial Treasurer at Provincial Assessor na maipatupad ang probisyon ng batas dahil para sa kanya umano ay marami sa lalawigan sa parteng Sur at Norte ng lalawigan ang tiyak na makikinabang sa pagpapatupad sa kanyang inihain na resolusyon.