Nagsimula na ang kampanya para sa plebisito kaugnay ng paghahati nga Palawan sa tatlong probinsiya nitong Pebreo 11, 2021. Paalala naman ng COMELEC, kailangang kumuha ng permit mula sa Barangay at Munisipyo bago magsagawa ng fac-to-face campaign.
“Ang campaigning natin ngayon ay online, televised, radio aired lang ano po? Kaya lang alam niyo naman sa atin sa Palawan, marami tayong walang signal so kung hindi po maiiwasan pupuwede po isagawa ang face-to-face [campaign] pero kailangan po nilang sumailalim doon sa ipinapatupad na minimum health protocol na ipinapatupad po ng DOH tiyaka ng IATF. At unang una, ang sinumang grupo po na magsasagawa ng face-to-face [campaign] ay dapat po na humingi ng aprroval or Certification of Approval mula po doon sa Barangay Health Worker (BHW) kung sa barangay sila magsasagawa or sa Municipal Health Office (MHO) kung halimbawa sa Municipal Level ang kanilang venue. Dapat muna nilang i-secure yung kanilang Certificate of Approval, ibig sabihin yung venue po nila at yung mga gagawin po nila ay compliant po doon sa ipinapatupad ng IATF at DOH guidlines.” Ayon kay Jomel Ordas, tagapagsalita ng Palawan Provincial COMELEC.
Dagdag pa ni Ordas, maging ang COMELEC ay kinakailangan humingi ng permiso sa Barangay at sa Munisipyo.
“Ganun din po yung mga kasamahan natin sa COMELEC sa pangunguna ng mga election officer ay hihingi din ng certificate of approval mula po sa mga BHW at sa mga Municipal Health Officer.”
Maging ang COMELEC kasi ay magsasagawa rin ng Information Education Campaign (IEC) kaugnay ng posibleng mangyari at gagawin ng mga lalahok sa araw ng plebisito. Paalala pa nito, lahat ng magsasagawa ng face to face campaign ay kinakailangan ipaalam din sakanilang tanggapan.
“So lahat po ng face-to-face [campaign] na yan ay kailangan din po i-coordinate sa ating mga election officers at sa provincial election supervisor.”