Provincial News

Ilang mga barangay roads sa Narra, nakatakdang isara pansamantala

By Hanna Camella Talabucon

June 29, 2020

Nakatakdang magpasa ng isang resolusyon ang Sangguniang Bayan ng Narra ngayong araw upang maipasara muna ng pansamantala ang iilang barangay roads sa naturang bayan upang mas mabigyan ng seguridad sa checkpoint ang mga residente ng munisipyo.

Ang nasabing resolusyon na ibababa ng SB ay base sa isang request letter na nagmula kay Narra Mayor Gerandy Danao.

Sa liham, iginiit ng alkalde na ang kahilingang pansamantalang pagsasara ng iilang barangay road ay napagkasunduan sa isang pagpupulong na ginanap ng mga miyembro ng IATF ng nasabing bayan noong June 24.

Nakapaloob din sa liham ang mga barangay roads na pansamantalang isasara habang nasa bisa pa rin ang checkpoints sa iba’t-ibang bahagi ng munisipyo.

Photo || Ang entry point sa National Highway ng kalsadang ito ng Quirino Avenue sa Barangay Poblacion ay kasama sa iilang kalsada na pansamantala munang isasara alinsunod sa kahilingan ni Narra Mayor Gerandy Danao para sa mas pinaigting na checkpoint laban sa COVID-19.

Ang mga ito ay ang mga sumusunod:

Barangay Antipuluan:

Barangay Poblacion:

Bagong Sikat:

Barangay Panacan 1:

Barangay Panacan 2:

Barangay Malatgao:

Barangay Caguisan:

Barangay Bato-Bato:

Barangay Elvita:

Barangay Calategas:

Barangay Batang-Batang:

Barangay Sandoval:

Barangay Malinao:

Barangay Estrella:

Barangay Taritien:

Barangay Dumanguena:

Ang mga nabanggit na kalsada ay pansamantalang isasara upang makatulong sa mas pinaigting na seguridad at checkpoints ng IATF kaugnay sa laban kontra COVID-19.