Photo courtesy of PIO Palawan

Provincial News

Inaabangang ‘Saraotan sa Dalan’ mamaya na!

By Jane Jauhali

June 23, 2022

Mamaya na ang pinakaaabangang “Saraotan sa Dalan” o labanan ng mga grupo galing sa iba’t-ibang munisipyo ng Palawan sa pamamagitan ng makukulay at pinakamagagandang kasuotan habang sila ay sumasayaw sa Mendoza Park Amphitheater, buong kahabaan ng Rizal Avenue, at magtatapos sa Palawan Events Center, sa Provincial Capitol.

Ang mga kupunan ay magpapasiklaban ng kanilang pinakamagaling na galaw pati ang mga kasuotan na magpapakita ng iba’t-ibang kultura na kanilang dala.

Matatandaan na P1,000,000 ang grand prize ng munisipyong mapupusuan ng mga hurado, P750,000 para sa pangalawa, at P500,000 naman para sa pangatlong pinakamagaling na grupo.

Magbibigay rin ang provincial government ng P100,000 consolation prize para sa mga hindi papalaring manalo sa kompetisyon.

Maliban sa 3 monetary prizes, ang provincial government ay magbibigay rin ng “Special Awards” para sa ibang mga grupo: Most Disciplined, Best in Musicality, Best in Costume, Best in Concept, at Best in Production Design.

Magkakaroon naman ng dalawang “judging sites”: Mendoza Park Amphitheater at sa Palawan Events Center sa Provincial Capitol.