Italian national at Pinoy, arestado sa El Nido, Palawan

0
1450
Contributed photo
Print Friendly, PDF & Email

Arestado ang dalawang lalaki kabilang na ang isang Italian national sa anti-illegal drugs campaign sa bayan ng El Nido, Palawan, sa pangunguna ni Police Chief Inspector Starky Timbancaya, nitong Sabado, pasado 4:00 A.M.

Nakilala ang mga suspek na sina Gianluca Rostoni, isang Italian citizen, at ang Pinoy na si Dennis Navales, residente ng Barangay Mangahan, lungsod ng Puerto Princesa.

Nakuha kay Rostoni ang isang kaha ng posporo na may lamang pinaghihinalaang marijuana, 18 na pirasong tabletas na pinaghihinalaang ecstasy, isang plastic sachet na may lamang pinaghihinalaang shabu, at iba’t-ibang drug paraphernalia.

Samantala, nakuha naman kay Navales ang isang pakete ng pinaghihinalaang marijuana at mga drug paraphernalia.

Ayon kay Chief Insp. Timbancaya, nakabili ang kanilang asset ng isang pakete nang shabu at nang makumpirma na ng kanilang grupo na nagkabilihan na, doon na nila dinakip ang dalawang mga lalaki.

Dagdag pa ni Timbancaya, ang mga ito umano ang kabilang sa mga nagpapakalat ng bawal na gamot sa bayan ng El Nido at matunog na rin ang kanilang pangalan sa lugar.

Sasampahan naman ang mga suspek ng kasong paglabag sa Section 5 and 11 ng Republic Act 9165.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here