Provincial News

PALECO Board Chair Endriga, diskwalipikado nang kumandidato

By Palawan Daily News

October 07, 2022

DISQUALIFIED.

 

Ito ang resulta ng isinagawang pagtasa ng bumubuo ng Screening Committee ng Palawan Electric Cooperative kaugnay sa kanilang pagberipika kung nararapat bang kumandidato para sa kanyang panibagong mandato si Jeffrey Y. Tan- Endriga, ang Chairperson ng Junta Direktiva, mula sa District IX, na binubuo ng mga bayan ng Quezon at Rizal.

 

Sa kabila na naunang naka-iskedyul sa darating na ika- 8 ng Oktubre ang eleksyon sa pagka-kasapi ng Board of Directors ng District 9, maituturing na maging failure ang election dahil sa walang nakapasa sa panuntunang itinakda para sila ay makakandidato.

 

Nabatid na batay sa isinagawang paganalisa sa mga dokumentong isinumite ni Endriga, nung siya ay nag-aplay bilang kandidato, ilang mga kadahilanan para sa diskwalipikasyon ang natanto ng komite upang siya ay hindi makapasa bilang kandidato.

 

Bukod dito, nauna nang napabalitang si Endriga ay nahaharap sa kasalukuyan sa isang kasong administratibo sa National Electrification Administration.

 

Si Endriga ay napag-alamang  huli nang nakapagsumite ng mga liquidations na dapat ay sa loob lamang ng tatlong (3) buwan bago ang pagpapa-file ng kandidatura ay nauna na itong nagawa.

Sa isinagawa namang pagsusuri ng Audit authority ng National Electrification Administration (NEA) natuklasang mayroong mga tinanggap si Endriga nang walang prior o explicit approval ng NEA.

Sa nasabing desisyon ng screening committee, maaari pang i-apela ni Endriga ang naunang desisyon sa nabanggit na komite at sa National Electrification Administration (NEA).

 

Sa ipinalabas naming pabatid ng PALECO, muli silang mag aanunsiyo ukol sa magiging pinal na desisyon hinggil sa isyung kinakaharap ni Endriga.

 

Sa pinakahuling balita mula naman sa apektadong indibdwal, bumaba na umano ito sa puwesto bilang Director sa kanya na ring kapasyahan, sa kabila naman na ito ang mararapat niyang gawin dahil iyon ang itinatakda ng panuntunan ng halalan ng kooperatiba.