Provincial News

Kampo ni suspended Narra Mayor Danao, inilitag ang maaring hakbang kaugnay sa naging decisisyon ng Sanguniang Palalawigan

By Gilbert Basio

September 12, 2020

Inilatag ng kampo ni suspended Narra Mayor Gerandy Danao ang mga posibleng susunod na hakbang kaugnay sa pagbasura ng Sangguniang Panlalawigan sa Motion of Preventive Suspension sa anim na miyembro ng Sangguniang Bayan ng Narra.

Ayon kay Atty. Edwin Gastanes, unang option ay tanggapin ang order, manahimik at hintayin magiging desisyon sa loob ng 60 days, ikalawa mag sampa ng motion for reconsideration, pangatlo i-withdraw ang complaint at pag isipan ang mga susunod na hakbang at ang ika apat na option ay ihain ito sa nakatataas na husgado.

“First option tanggapin ang order na yan, manahimik at hintayin ang disesyon within 60 days and then saka kumilos kung ano man ang desisyon sa kaso na isinapanya sa anim  na meyembro ng Sangguniang Bayan ng Narra, ikalawa mag file ng motion for reconsideration maiksi pero maigting at hilingin na baliktarin ang kanilang desisyon … The 3rd option is to withdraw the complaint, para hindi na mahirapan ang sangguniang Panlalawigan para mag decide sa kaso at pag isipan ang mga susunod na hakbang… ika apat, kung maituturing na isang grave abuse of discretion ang pag issue ng order submitting the case for resolution without hesitation  by either parties of their respective evidence to support their claims… ay ihain sa mga nakatataas na husgado,” pahayan ni Gastanes

Samantala nilinaw ni  Atty.Gastanes, sa ngayon ay hindi pa umano nakakapag desisyon si suspended Narra Mayor Danao kung alin sa mga ito ang kanyang pipiliin.