Inaprubahan ng City Council ang kahilingan ni Coun. Johnmark M. Salunday, Indigenous People’s Mandatory Representative (IPMR), na madagdagan ang pondo ng Indigenous People dahil kasalukuyan mayroon lamang P1.5 million na pondo na nais nitong madagdagan upang magkaroon ng mahigit P5 million piso batay sa napagkasunduan sa naganap na regular session nitong Enero 24 sa pamahalaang panlungsod.
Nitong mga nagdaang taon ang pondo na P1.5 million ay nakalaan sa mga programa ng IPs Communities l, kabilang na ang P500,000 para masuportahan ang NCIP para sa delineation ng Ancentral Domain. Dahil sa malawakang lupain ng katutubo, hindi sapat sa kasalukuyang budget.
Kaya naman napagkasunduan ng konseho na magpasa ng resolution na humihiling kay Mayor Lucilo Bayron na taasan ang budget ng IPs sa halip na P1.5 million ay madagdagan ito ng less than P5 million.