Inaresto ng Balabac Municipal Police Station ang isang wanted person at Rank No. 4 ng Municipal Level sa Poblacion 5, Balabac nitong ika-8 ng Disyembre.
Kinilala ang inaresto na si Yunos Sangguna Astami a.k.a “JunJun Astami,”, 38 anyos, may asawa, karpintero, at residente sa Sitio Marabon, Barangay Salang, Balabac.
Dala ng Balabac PNP ang warrant of arrest na permado ni Judge Ramon Chito R. Mendoza ng RTC Branch 165, Brooke’s Point, Palawan noong Ika-10 ng Desyembre 2020 sa kasong Section 5 (i) ng RA 9262, batas laban sa karahasan sa kababaihan at sa kanilang mga anak.
Samantala, nasa kustodiya na ng PNP ang suspek at kinakailangang makapaglaan ng pyansa ng halagang P72,000 para sa pansamantalang kalayaan nito.